Iginiit ng Malacañan na walang kortesiya sa Pilipinas ang China.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos mapaulat ang pagdaan ng apat na Chinese Navy at Survey Ships sa Sibutu Strait malapit sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang permission o koordinasyon na ginawa ang China.
Hindi na dapat na naalarma si Defense Secretary Delfin Lorenzana kung may abiso lamang aniya ang China.
Dagdag pa ni Panelo, kung totoong kaibigan ng China ang Pilipinas, dapat ay nagbigay ng paghiwatig na dadaan sa lugar na hindi nila pag-aari.
Maari rin kasi aniyang hindi alam ng pamahalaan ng China o nagkaroon ng neglect kung kaya dumayo sa Sibutu Strait ang kanilang mga barko.
Facebook Comments