Mistula pa ring ghost town ang Chinatown sa Binondo, Maynila.
Ito ay dahil sa marami pa ring mga negosyante ang takot na magbukas ng kanilang mga tindahan bagama’t naka-General Community Quarantine (GCQ) na ang maraming lugar.
Ayon naman sa isang Filipino-Chinese na negosyante na si Maxima Tiu, bagama’t natatakot sila sa patuloy na banta ng COVID-19, napipilitan silang magbukas ng tindahan dahil kailangan nilang pasuwelduhin ang kanilang mga empleyado.
Aniya, ang ginagawa na lamang nila ay naglalagay sila ng mga plastic na pangprotekta sa kanilang mukha at katawan.
Wala ring mga mamimili ang naglalakas ng loob na magtungo sa Chinatown kaya napakaluwag ng daloy ng trapiko sa lugar, taliwas sa dating bumper-to-bumper.
Facebook Comments