Chinese ambassador sa Pilipinas, dumepensa sa pagpapatawag ng DFA matapos ang sanction ng Tsina kay dating Sen. Francis Tolentino

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas na dumepensa si Chinese ambassador Huang Xilian sa pagpapatawag ng Department of Foreigner Affairs (DFA).

Kaugnay ito ng sanction ng Tsina laban kay dating Senador Francis Tolentino kung saan pinagbabawalan na itong pumasok sa Mainland China, Hong Kong at Macau.

Ayon sa Embahada ng China, ipinaliwanag ni Ambassador Huang sanction DFA na malisyoso ang mga naging pahayag ni Tolentino laban sa Tsina.

Iginiit din ng Chinese ambassador na mapanira sa mga interes ng China at maging sa relasyon ng Pilipinas at China ang mga naging batikos ni Tolentino.

Naninindigan din anila ang Chinese government sa pagdepensa nito sa kanilang national sovereignty, security, at development interests.

Legal prerogative din daw ng China ang pagpapataw ng kahalintad na sanction sa sino mang nananakit sa mga interes ng kanilang bansa.

Iginiit din ng Chinese government na ang ginawa ng dating senador ay hindi rin makakatulong sa mga interes ng Pilipinas at ng mga Pilipino.

Facebook Comments