MANILA – Binigyang diin ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na nagsisimula pa lamang ang pag-uusap tungkol sa pag-aalok ng China ng armas sa Pilipinas.Taliwas ito sa unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda na ang mga baril na iniaalok ng China na babayaran ng Pilipinas sa loob ng 25-taon.Pero ayon kay Ambassador Zhao, hindi nagmamadali ang China at ipauubaya sa mga Pilipino ang desisyon.Sabi pa ni Zhao, ang mga armas na ibebenta sa Pilipinas ay mga light firearms at hindi yung mga mabibigat na gamit.Dagdag pa ni Zhao, mas lalo pang lalago ang relasyon ng Pilipinas at China sa taong 2017.Nakatakdang makipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang counterpart sa China para alamin kung ano ang mga armas na iaalok ng China.Pinag-aaralan na rin ni Lorenzana ang mga sniper-rifles ng russia na naunang binanggit ng pangulo na gusto niyang bilhin.
Chinese Ambassador Zhao Jianhua, Nilinaw Na Hindi Sila Nagmamadali Sa Pagbibigay Ng Armas Sa Pilipinas Taliwas Sa Naging
Facebook Comments