Itinanggi ng Chinese businessman na si Michael Yang na kumakatawan siya sa China’s Communist Party.
Kasabay ito ng pagpapatuloy kahapon ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng mga COVID-19 supplies.
Sa pagtatanong ni Gordon kay Yang, naipakita ang isang larawan kung saan kasama ng dating presidential economic adviser si Fujian Secretary General Liang Jiangyoung sa opisina nito sa Makati.
Dahil dito, agad tinanong ni Gordon si Yang kung miyembro ng Chinese communist party si Liang na agad naman nitong sinang-ayunan.
Pero nang ilipat ng Senador ang tanong kay Yang ay agad itong itinanggi ng Chinese sabay sabing mabubuting hangarin lamang ang nais niya para sa Pilipinas.
Dahil sa pagtatanong, muling inungkat ni Gordon ang paraaan ng pakikitungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China kung saan magmula aniya ng nagpresidente ito ay hindi na kumikibo kapag sinasagasaan ang mga bangka ng Pilipino.
Maliban kay Yang, Cited in comtempt na ng komite si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa hindi pagharap sa pagdinig.
Nananatili namang bigo ang Senado na matunton at maaresto ang magkapatid na sina Mohit at Mohit Dargani na parehong opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporations.