Chinese Coast Guard Law, hindi Pilipinas ang target ayon sa isang Filipino diplomat

Tiniyak ng China na hindi target ang Pilipinas o anumang bansa sa pagpapatupad ng kontrobersyal na bagong Coast Guard Law.

Ito ay matapos maghain ang Pilipinas ng diplomatic note sa China noong nakaraang buwan hinggil sa pagpasa ng naturang batas na pinapayagan ang Chinese Coast Guard na paputukan ang mga foreign vessels.

Ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Chito Sta. Romana, siniguro ng China magpapatupad sila ng sistema ng pagpigil o restraint.


Ipinapanawagan ng mga bansa na magkaroon ng diplomasya at pag-iwas sa paggamit ng puwersa.

Itinanggi rin ni Sta. Romana ang alegasyon ni Senator Francis Tolentino na may pagkukulang siya lalo na sa pagbabantay sa anumang developments ukol sa batas.

Facebook Comments