Chinese Embassy, hinimok ang US Embassy na ipaliwanag ang umano’y anti-vaccine campaign na umusbong noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic

Nanawagan ang Chinese Embassy sa Embahada ng Estados Unidos na linawin ang mga paratang na nagkaroon ng lihim na kampanya upang siraan ang mga bakunang gawa ng China noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Iginigiit ng Embahada ng Tsina na ang mga ipinakalat na maling impormasyon patungkol sa naturang bakuna ay naging dahilan ng panganib sa buhat at kalusugan ng maraming Pilipino.

Batay sa ilang ulat, ginamit umano ng US ang social media para magpakalat ng mga pagdududa tungkol sa kaligtasan at bisa ng mga bakunang ibinibigay ng China, na target ang ilang bansa kabilang ang Pilipinas.


Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Jose Victor Chan-Gonzaga, wala pa umanong natatanggap na opisyal na tugon ang DFA mula sa US hinggil dito.

Nakipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa US Embassy kasunod ng mga napabalitang alegasyon, ngunit sila’y isinangguni lamang sa US Department of Defense.

Facebook Comments