Chinese Embassy, ikinalugod ang pagpapatuloy ng kontrata ng ilang Chinese companies sa Pilipinas

Ikinalugod ng Chinese Embassy ang desisyon ng Malacañang na ipagpatuloy ang kontrata ng ilang Chinese companies na sangkot sa reclamation sa South China Sea.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, ‘noted’ ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang independent foreign policy na nagsusulong ng pambansang interes kabilang ang pagkumpleto ng mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program.

Ang partisipasyon ng Chinese companies sa domestic construction activities ay lehitimo at naaayon sa batas.


Sinabi rin ni Ambassador Huang na naging mabunga ang Belt and Road initiative ni Chinese President Xi Jinping at Build Build Build Program ni Pangulong Duterte na mapapakinabangan ng mamamayan ng dalawang bansa.

Mahalaga ang naging kontribusyon ng mga kumpanyang Tsino sa mga hakbang na ito.

Naniniwala rin ang Chinese envoy na ang anumang pagtatangkang pabagsakin ang normal economic cooperation sa pagitan ng China at Pilipinas ay hindi magtatagumpay.

Matatandaang irerekomenda ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ibasura ang kontrata ng mga Chinese firms na kasama sa dredging at reclamation sa South China Sea.

Facebook Comments