Pinabulaanan ng Chinese embassy sa Manila ang pagkakasangkot nila sa sinasabing destabilization plot laban sa pamahalaan ng Pilipinas.
Kasunod ito ng pagkaka-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang Chinese sa Pasig kung saan nakuha sa kanila ang ilang mga armas at bala.
Ayon sa embahada ng Tsina, walang katotohanan na may ” sleeper cells” sila sa Pilipinas.
Anila, may ilang indibidwal lamang ang gumagawa ng mga paninira laban sa China at sa mamamayan nito.
Sa katunayan anila, nakikipag-ugnayan na ang Chinese Embassy sa Philippine law enforcement authorities para imbestigahan at labanan ang transnational criminal activities.
Facebook Comments