Chinese Embassy sa Pilipinas, pumalag sa panibagong patutsada ni Defense Gilbert Teodoro laban sa Communist Party of China

Tinawag ng Chinese Embassy sa Pilipinas na malisyoso ang anila’y akusasyon ni Defense Gilbert Teodoro hinggil sa pagtatayo ng Communist Party of China ng nuclear arsenal at ballistic missile capability, gayundin ang pag-sponsor daw sa criminal syndicates at mga subersibong organisasyon sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa Embahada ng Tsina, ang hindi makatarungan at bias na akusasyon ni Teodoro ay maituturing na Cold War mentality.

Sinabi pa ng Chinese Embassy na hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ang kalihim ng anila’y unprofessional na statement.


Iginiit din ng kampo ng Tsina na ang naturang pahayag ni Teodoro ay taliwas sa pagsuporta ng Pangulong Bongbong Marcos sa mga hakbangin para mapahupa ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Muli ring pinaalalahanan ng China ang Pilipinas na tumalima sa panawagan ng mga karatig na bansa sa Asya kabilang na ang pag-pullout sa typhon missile system at ang pag-iwas sa panghihimasok sa anila’y maling teritoryo.

Facebook Comments