Thursday, February 26, 2026

Chinese Embassy, tinawag na “candid, constructive, at forward-looking” ang kanilang naging pag-uusap ni Senador Erwin Tulfo

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas na naging “candid, constructive, at forward-looking” ang naging pag-uusap nina Chinese Ambassador Jing Quan at Sen. Erwin Tulfo.

Ayon kay Chinese Embassy Spokesman Ji Lingpeng ,nanindigan si Ambassador Jing na ang ano mang conflict ay maglalagay sa alanganin sa matagal nang pagkakaibigan ng China at Pilipinas.

Naniniwala rin aniya ang China na may kakayahan ang dalawang bansa na ayusin ang hindi pagkakaunawaan nito.

At ang pinakamabisang option ay umupo ang dalawang panig at mag-usap sa diplomatikong pamamaraan partikular sa maritime disputes.

Sa kabila nito, nilinaw ng Chinese Embassy na hindi ito nangangahulugan na hindi sasagot ang Tsina sa mga debate ng ilang mga mambabatas ng Pilipinas kapag kinakailangan.

Facebook Comments