Chinese Embassy, umapela sa Pilipinas na i-ban na ang POGO

Umapela ang Chinese Embassy sa Pilipinas na tuluyan nang i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon sa Embahada ng China, maraming ebidensya ang nagpapakitang nagiging pugad na ang POGO ng mga seryosong krimen tulad ng kidnapping, human trafficking at murder.

Nakasisira anila ito sa kapwa interes at imahe ng Pilipinas at China gayundin sa relasyon ng dalawang bansa.


Ang panawagan ng China ay kasunod ng pag-raid sa POGO hub sa Porac, Pampanga kung saan karamihan sa mga dayuhang inaresto ay mga Chinese.

Samantala, iginiit naman ng embahada na walang basehan ang mga akusasyong nag-uugnay sa China sa POGO.

Facebook Comments