Inaasahang maipapalabas na sa mga sinehan sa China ang mas marami pang mga pelikulang Pilipino na magbibigay ng dagdag na kita sa Pilipinas.
Inihayag ito ni Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano sa pagdinig ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts ukol sa kalagayan ng Philippine cinema.
Ayon kay Soriano, nais ng bansang China na magkaroon ng collaboration sa Philippine entertainment.
Plano naman ni Pangulong Bongbong Marcos na magsagawa ng town hall meetings sa lahat ng stakeholders mula sa creative industry upang pag-usapan ang pagpapalago ng film industry sa bansa.
Facebook Comments