Chinese envoy, nangatwiran sa pagharap kanina sa DFA

Kinumpirma ng Chinese Embassy na naglatag ng mga argumento kanina si Deputy Chief of Mission of the Chinese Embassy in the Philippines Zhou Zhiyong sa kanyang pagharap kay Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau.

Ayon sa embahada ng Tsina, nagpahayag si Zhou ng strong dissatisfaction at firm opposition ng China sa anila’y panghihimasok ng barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal o ang tinatawag nilang Ren’ai Jiao kahapon, October 22.

Iginiit din anila ni Zhou na ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao at ng teritoryo ng China.


Hinimok din daw ni Zhou ang Pilipinas na igalang naman ang grave concerns ng China at iwasan ang mga mapanaghamon na aktibidad sa South China Sea para na rin sa kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments