Chinese fisherman, hindi dapat pahintulutan sa karagatang saklaw ng ating EEZ

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na hindi maaaring makipag-friend zone si Pangulong Rodrigo Duterte sa ating Exclusive Economic Zone o EEZ.

Reaksyon ito ni Hontiveros sa pahayag umano ni Pangulong Duterte na alang-alang sa pagkakaibigan ng China at Pilipinas ay papayagan ang mga Chinese fishermen sa ating EEZ.

Masaya si Hontiveros sa mahabang panahon na pakikipag-ugnayan natin sa China.


Pero diin ng senadora, hindi ito sapat na dahilan para isantabi ang ating soberenya at ipagwalang-bahala ang ating konstitusyon at mga batas.

Ayon kay Hontiveros, tanging mga Pilipino lang ang may espesyal na karapatan para magsagawa ng exploration, mga economic activities at makinabang sa marine resources na saklaw ng ating teritoryo.

Facebook Comments