Chinese fishermen bawal sa Recto Bank – Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na bawal mangisda ang mga Instik malapit sa Recto Bank area.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala dapat sa nasabing lugar ang mga mangingisdang instik.

“Siyempre hindi pero hindi pa natin alam kung nagfi-fish sila doon,” sabi ni Panelo sa press conference ngayong araw.


Ani Panelo, salungat ang bersyon ng magkabilang panig ukol sa pangyayari. Ngunit, tuloy pa rin ang imbestigasyon para sa katotoohanan.

“Basta teritoryo natin nandun sila mali ‘yun syempre,” tugon ng Presidential Legal Counsel.

Dagdag pa niya, hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng pagsisiyasat bago magbigay ng pahayag.

“As a matter of policy, we always say that we will not allow an assault of our sovereignty. That has not changed.”

Naiulat nitong nakaraang linggo ang pagbangga ng isang Chinese vessel sa F/B GemVir 1 na sakay ang 22 mangingisdang Pinoy. Ayon sa mga nasagip, naganap ang insidente noong madaling araw ng Hunyo 9 at iniwan sila sa laot matapos salpukin. Inilagtas ang mga distressed fishermen ng isang Vietnamese fishing vessel.

Facebook Comments