Chinese-flagged research vessel na Shen Kuo, nakalabas na ng teritoryo ng bansa

Nakalabas na ng EEZ ang Chinese research vessel na “Shen Kou”.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla pumasok ito sa Catanduanes at huling namataan sa bahagi ng Samar.

Ang Shen Kuo ay unang namataang nagbaba ng “unidentified equipment” sa loob ng teritoryo ng bansa na posibleng gamit sa maritime research.


Samantala, nasa PAGASA Island na ngayon ang 3 research vessels ng China.

Base sa pinakahuling monitoring ng AFP, April 21 nang pumasok ng Ayungin Shoal ang 3 research vessels, April 26 nang lumabas at ngayon ay nasa bahagi na ng PAGASA Island na nasa loob parin ng EEZ.

Facebook Comments