Chinese Foreign Minister Qin, nagrekomenda ng dayalogo para maresolba ang aniya’y “differences” ng Pilipinas at China

Aminado si Chinese Foreign Minister Qin Gang na kailangan ng dayalogo ng Pilipinas at China.

Ito ay para maresolba aniya ang mga hindi pagkakaunawaan ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Minister Qin na mahalaga rin ang pagkakaroon ng konsultasyon para maayos na mapaplantsa ang aniya’y “differences” ng dalawang bansa.


Nanawagan din ang Chinese Foreign sa Pilipinas na panatilihin ang pangako sa isa’t isa para sa patuloy na pag-iral ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ginawa ni Minister Qin ang pahayag sa kanyang opening remarks sa bilateral meeting nito kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Facebook Comments