Manila, Philippines – Itinanggi ng Chinese Foreign Ministry na may binubuong environmental monitoring station sa West Philippine sea.
Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Sansha City Mayor Xiao Jie na naghahanda na ang China na magtayo ng nasabing mga istraktura sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.
Ang Sansha City ang siyang may administrative control sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine sea na sinakop na ng bansang China.
Giit ni Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, ang West Philippine sea ay magsisilbing lugar para sa ecological preservation.
Aniya, pinahahalagahan ng China ang kanilang magandang relasyon ngayon sa Pilipinas.
Matatandaang sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na hihingi sila ng paliwanag sa China kaugnay sa mga ulat na mga bagong istraktura malapit sa Scarborough Shoal.
Bukod rito, nais rin ng DFA na makuha ang paliwanag ng China sa pagpunta ng kanilang mga barko sa Benham rise na pasok sa territorial waters ng Pilipinas.
Facebook Comments