Chinese Foreign Ministry, umalma sa suporta ng US sa Pilipinas sa isyu ng South China Sea

Umalma si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian sa pahayag ni U.S. Secretary of State Anthony Blinken na naninindigan sila sa pangakong poprotektahan ang Pilipinas laban sa mga pag-atake sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Lin, walang karapatan ang Amerika na manghimasok sa South China Sea.

Ginawa ng Chinese official ang pahayag matapos ang pagbisita sa Pilipinas ni Blinken kung saan kabilang ang naturang kontrobersiya sa kanilang tinalakay ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.


Ipinaabot din ni Manalo sa nasabing US official ang kahalagahan ng U.S. investments sa pagpapalakas ng defense at civilian law enforcement capabilities ng Pilipinas.

Facebook Comments