Chinese General Hospital and Medical Center, magkakaloob ng optimum medical care sa mga operatiba ng PDEA na masusugatan sa mga anti-drug efforts

Asahan nang mabibigyan ng optimum medical care ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na masusugatan sa gitna ng kanilang anti-drug efforts.

Ito’y matapos na pumirma ang PDEA ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Philippine-Chinese Charitable Association Inc. at Chinese General Hospital and Medical Center.

Sa ilalim ng MOA, magkakaloob ang PCCAI ng medical aid at treatment sa pamamagitan ng Chinese General Hospital and Medical Center sa mga PDEA operatives na masusugatan.


Kabilang dito ang surgery at mga major operations.

Magagamit din ang medical equipment at facilities para sa admission hanggang ma-discharge ang PDEA operatives na mao-ospital sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Layon nito na matulungan ang pamilya ng mga nasusugatang PDEA operatives mula sa magastos na medical expenses.

Facebook Comments