Chinese Government hindi hahayaan ang kanilang mangingisda na maglayag sa EEZ ng Pilipinas ayon sa Palasyo

Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na hindi na kailangan pang magpatupad ng ban si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangingisda ng mga Chinese sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipians.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, base sa mga naging pahayag ng Pangulo sa kanilang mutual agreement ni Chinese President Xi Jinping ay nangako naman aniya ang China na hindi mangingisda sa mga lugar na sakop ng Pilipinas na magdudulot ng Tensyon.

Sinabi pa ni Panelo na hindi pinahihintulutan ng batas ang pangingisda ng mga banyaga sa karagatang bahagi ng EEZ ng Pilipinas.


Tiniyak din naman ni Panelo, na pananagutin ng Pamahalaan ang sinoman na mahuhuli na lumabag sa Fisheries Code of the Philippines.

ito naman ay sa kabila ng naging pahayag ng Pangulo na hahayaan niyang mangisda ang mga Chinese sa karagatang sakop ng Bansa.

Facebook Comments