Hinikayat ng gobyerno ng China ang kanilang mga residente na huwag munang bumiyahe kasunod ng nalalapit na selebrasyon ng Chinese Lunar New Year.
Ayon sa otoridad, layon nitong pigilan ang muling COVID-19 outbreak sa China bunsod ng pag-usbong ng iba’t ibang variant ng Coronavirus.
Taliwas din ito sa nakagawiang selebrasyon kung saan ilang linggo pa lamang bago ang mismong selebrasyon ay puno na ang ilang pamilihan at paliparan sa bansa.
Dahil din sa pandemya, bumaba ng halos 73.7% ang airline booking kumpara noong nakaraang taon.
Facebook Comments