Chinese maritime militia, nananatili pa rin sa West Philippine Sea

Wala namang naitatalang kahina-hinalang aktibidad ang mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Rear Admiral Roy Echiverria, director ng National Coast watch center bagama’t may presensya pa rin ng Chinese maritime militia sa lugar at mangilan-ngilang mga bangka ng mga mangingisdang Pilipino.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Echiverria na lalo pang pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya katuwang ang Philipine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) hindi lamang sa West Philippine Sea kundi maging sa iba pang borders ng ating karagatan kasama na rito ang Scarborough Shoal at Philippine Rise.


Sa pamamagitan aniya nito ay mas mabibigyan nila ng karampatang tulong at tamang proteksyon ang ating mga mangingisda.

Facebook Comments