Chinese medicines na walang importation clearance mula FDA, nasabat ng Bureau of Customs sa NAIA

Bureau of Customs NAIA Photo

Aabot sa 2.2 kilograms na Chinese medicines na walang kaukulang importation clearance mula sa Food and Drug Administration o FDA ang nasabat ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BoC, ang mga naturang gamot ay itinago sa tatlong (3) magkahiwalay na packages sa 3 magkakaibang consignee na may parehong shipper address, kung saan idineklara bilang mga Resin Handicraft.

Ginagawa raw ang ganitong modus upang makaiwas sa kinakailangang Certificate of Product Registration mula FDA.


Una nang inalerto ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) ang kanilang mga tauhan sa profiling at pagsasagawa ng mandatory random X-ray inspection sa lahat ng mga padala bago ilabas upang maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga ilegal na kontrabando ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

Facebook Comments