Chinese na may kasong pangingidnap sa dalawang kapwa niya Tsino, arestado sa Pasay City

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Chinese National na may kasong two counts of kidnapping for ransom and serious illegal detention sa Pasay City.

Ayon kay PNP-AKG Director Police Brigadier General Jonnel Estomo, ang naarestong suspek ay kinilalang si Ju Wenping.

Siya ay sangkot sa pagdukot sa dalawang chinese na sina Wei Ming Sun at Yo Chem sa NAIA Terminal 2 sa Pasay City noong November 8, 2018.


Sa pag-iimbestiga ng PNP-AKG, apat na beses na nakapagpadala ng pera ang pamilya ng mga suspek sa Chinese kidnapping syndicate matapos na magdemand ang mga ito para mapalaya ang biktima.

November 13, 2018, pinalaya ng mga suspek kabilang si Ju Wenping ang dalawang biktima sa NAIA Terminal 2 at pinasakay pabalik ng China.

Pero bago ang pagalis ng dalawang biktima naramdaman ng mga security guards at police na sila ay biktima ng kidnapping kaya nagkagulo pero nakatakas ang ilang kidnapers kabilang si Wenping.

Kaya sa follow-up operations nahuli nitong Huwebes si Wenping sa harap ng Somerset Condominium sa Pasay City.

Sa ngayon, nakakulong na ang nahuling suspek sa AKG lockup jail.

Facebook Comments