Chinese, nangungunang foreign tourists sa Pilipinas nitong Abril

Nanguna ang mga Chinese sa listahan ng mga dayuhang turistang bumisita sa Pilipinas nitong Abril.

Base sa datos ng “top visitor markets” ng Department of Tourism (DOT), aabot sa 139,177 Chinese tourist ang dumating sa bansa nitong Abril.

Ito ay 27% na mas mataas kumpara sa 109,789 Chinese na bumisita sa bansa sa kaparehas na panahon noong 2018.


Ikalawang ang South Koreans na may 130,707, pumangatlo ang US nationals na may 87,710.

Ang Japanese tourist naman ang pang-apat na bumibisita sa bansa na may 57,724 at Australia na may 28,683 tourist.

Ayon sa DOT – ang bilang tourist arrivals sa bansa ay base sa arrival at departure cards at shipping na naitala ng Bureau of Immigration (BI) nitong Abril.

Karamihan sa mga Tsinong bumibisita sa bansa ay pumapasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga paliparan sa Manila, Kalibo sa Aklan, Cebu at Clark sa Pampanga.

Facebook Comments