Chinese national, arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na mga sigarilyo

COURTESY: CIDG

Nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit ang isang Chinese national na sangkot sa pagbebenta ng iligal na sigarilyo sa Potrero, Malabon City.

Ayon sa CIDG, nasabat sa suspek na si alyas Ziqiang ang 33 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang dalawang milyong piso.

Ang operasyon ay isinagawa kasama ang kinatawan ng isang kompanya ng sigarilyo sa pakikipagtulungan ng Northern Police District.

Sa ngayon, hawak na ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement), Section 168 (Unfair Trade Competition) ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Facebook Comments