
Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad mula sa Parañaque City Police Station ang isang Chinese national matapos na mahulihan ng ilegal na droga.1
Kinilala ang suspek na si alias Qingmin, 33-year-old Chinese national, na nahuli sa Skyview Tower Hotel ng Police officers mula sa District Mobile Force Battalion, SPD at NCRPO.
Sa report na inilabas ng SPD, nagsasagawa umano sila ng operasyon sa naturang lugar nang makatanggap ng tawag na humihingi ng asiste.
Agad namang nagtungo ang awtoridad sa insidente kung saan nadiskubre ng isang hotel security guard ang tatlong plastic sachets na pinaghihinalaang shabu.
Dito na nakumpirma ng pulisya matapos ang isinagawang inspeksyon sa mga gamit ng banyaga at nakita ang ilan pang drug paraphernalia na nagkakahalaga ng P34,000.
Samantala, nasa kustodiya na ngayon ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.









