Chinese national, dinukot!

Tinangay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang Chinese national sa Angat River malapit sa Bustos Dam, Barangay Tibagan, Bustos, Bulacan, kahapon ng ala-una ng madaling araw.

Sa report na nakarating sa Kampo krame, nangingisda lamang ang biktima na si Zhongjian Jiang kasama ang iba pang Chinese nationals nang lapitan ng apat na lalaki.

Pagkatapos nito ay kinuha umano nila ang biktima, sinakay sa sasakyan at tumakas papunta sa By-pass Road, Barangay Bonga Menor sa Bustos.


Ayon pa sa report, nagtungo sa Bustos Municipal Police Station ang live-in partner ng biktima at sinabing nakatanggap ng text message ang pinsan ng biktima kung saan humihingi ng $300,000 na ransom ang mga suspek.

Sa ngayon, patuloy ang intelligence gathering ng mga pulis para madakip ang mga suspek.

Facebook Comments