Chinese national na dati nang inaresto, balik kulungan sa overstaying

Nadakip ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na dati nang naaresto ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa BI, naunang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group ang 32-year-old na si Liu Yuhang dahil sa kasong illegal possession of firearms at suspected hacking equipment.

Ang naturang kagamitan anila ay nagdudulot ng pagkabahala sa posibleng banta sa seguridad.


Samantala, muling inaresto ang suspek dahil naman sa pagiging undesirable alien nito at overstaying.

Dumating anila si Liu noong July 18 at mayroon lamang visa na valid hanggang noong August 2022.

Sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, dapat arestuhin at agad na ipatapon ang mga dayuhang banta sa seguridad.

Sa ngayon, nakakulong si Liu sa BI facility sa Bicutan, Taguig habang naghihintay ng deportation.

Facebook Comments