Chinese national na dinukot ng mga kapwa Chinese national, na-rescue ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa Paranaque

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang isang Chinese national na dinukot ng mga kapwa niya Chinese national.

Kinilala ni PNP AKG Spokesperson Police Major Rannie Lumactod, ang biktima na si Li Zi Hong.

Aniya, nasagip si Hong nitong Pebrero 22 sa isang casino sa Paranaque makaraang silang rumesponde sa sumbong ng Operations manager ng hotel kaugnay sa hinihinalang kidnapping incident.


Batay sa salaysalay ng biktima, naglalaro siya sa casino noong Pebrero 21 nang dumating ang 3 suspek at nag-alok sa kanya ng pautang.

Pumayag ang biktima at tinanggap ang ₱1 milyong pisong halaga ng casino chips.

Makaraang matalo, binalik ng biktima ang 500 thousand pesos sa mga suspek at nakiusap na babayaran niya na lang ang balance sa utang.

Sa kabila ng pakiusap, dinukot ang biktimang natalo sa sugal at nanghingi ng ₱1 milyong piso na ransom sa pamilya nito kapalit ng kanyang kalayaan.

Makaraang matunton ang kwarto na pinagtataguan, 3 lalaking Chinese nationals ang naaresto ng AKG.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na sila ng AKG sa Camp Crame at nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention.

Facebook Comments