Tuesday, February 24, 2026

Chinese national na gumagamit ng pekeng dokumento bilang Pilipino, iniharap sa media ng BI

Ipinirisinta ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang isang Chinese National na inaresto sa Batangas matapos magpanggap na Filipino.

Ang nasabing Chinese national na nakilalang si Zhi Ling Guan,47-anyos na may alyas ns Shi Nengyuan at Mike Sy ay nakakuha ng mga pekeng dokumento tulad ng umano’y Philippine passport.

Nasakote ang Chinese national sa tulong Land Transportation Office (LTO) at Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa record ng LTO, nakakuha ng lisensya ang Chinese natinoal sa pangalan na Shi Nengyuan habang ang passport ay nakapangalan sa Mike Sy.

Ayon kay Comm. Viado, nadakip ang suspek sa Batangas sa pamamagitan ng intelligence verification at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya kung saan binalaan niya ang iba pang dayuhan na gumagawa ng ganitong uri ng iligal na aktibidad na hindi sila makakalusot at mananagot sila sa batas.

Ang naturang Chinese national ay kasalukuyan nasa kustodiya ng BI habang isinasailalim sa deportation proceedings.

Facebook Comments