Chinese national na humaharap sa kasong illegal gambling sa China, naaresto sa NAIA

Nakakulong na sa Bureau of Immigration (BI) facility sa Bicutan, Taguig ang isang Chinese national na humaharap sa kasong illegal gambling sa kanilang bansa habang inaasikaso ang kanyang deportation proceedings.

Kinilala ang suspek na si Jiang Ning, 27-anyos ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Tinangka raw ng suspek na umalis ng bansa at sasakay ng Philippine Airlines patungong Kuala Lumpur, Malaysia.


Pero dito napansin ng mga immigration officers na mayroon itong derogatory record sa kanilang sistema.

Sa isinagawang verification, nakumpirmang si Jiang ay subject ng Interpol Red Notice dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbuo ng gambling group para makotrol ang 14 gambling platforms at makakuha ng illegal profits sa China at Philippines.

Sinasabing nag-o-operate ito mula 2014 hanggang 2021 at nakakuha ng mahigit 100,000 Chinese para sa iligal na gambling activities.

Facebook Comments