Chinese national na minonitor sa San Lazaro Hospital dahil sa posibleng coronavirus infection, pumanaw na

Pumanaw na ang isang Chinese national na minomonitor sa San Lazaro Hosiptal dahil sa posibilidad ng novel coronavirus infection.

Paliwanag ni San Lazaro Hospital Director Dr. Edmundo Lopez, maraming ibang karamdaman ang dayuhan kaya’t hindi pa kumpirmado kung n-co-v ang dahilan ng pagkasawi nito.

Aniya, pneumonia ang ikinamatay nito at nagpositibo rin sa hiv ang pasyente na galing Yunnan, China.


Sa ngayon aniy ay hinihintay pa ang resulta sa isinagawang pagsusuri sa specimen na kinuha sa pasyente.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque, na bagama’t nananatiling n-co-v free ang Pilipinas, mayroon namang pang 23 ‘persons under investigation’ na posibleng apektado ng ncov infection.

Aniya, apat naman ang pinayagan nang makalabas ng ospital pero susubaybayan pa rin ng mga tauhan ng DOH ang lagay ng kanilang kalusugan.

Kasabay nito, inilunsad ng DOH ng isang official webpage na www.doh.gov.ph/2019-ncov kung saan mababasa ang mga update hinggil sa nasabing sakit.

Sabi ni Duque, layon ng webpage na malabanan ang “fake news” sa kasagsagan ng isyu sa ncov na nagdudulot ng takot sa publiko.

Facebook Comments