Sa kabila ng kaliwa’t kanang paalala ng mga kinauukulan na hwag samantalahin ang COVID-19 scare.
Hindi parin nagpaawat ang ilan at tuloy parin sa kanilang ilegal na aktibidad.
Kasunod nito inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol.
Kinilala ng QCPD ang suspek na si Huanshing Chan, 59 yrs old residente ng Kitanglad Street, Barangay Doña Josefa, Quezon City.
Ayon sa QCPD nakatanggap sila ng tip hinggil sa pagbebenta ng overpriced unlabeled alcohol ng suspek at agad silang nagkasa ng operasyon dahilan ng pagkaka aresto nito.
Nakumpiska kay Chan ang 350 pirasong unlabeled alcohol na ibinebenta nya kada piraso ng P175, P500 at P33,500 Boodle Money.
Sa tantya ng mga otoridad aabot sa Php 61,250.00 ang street value ng nakumpiskang alcohol.
Sa ngayon hawak na ang suspek ng mga otoridad at nahaharap sa paglabag sa Price Act at Consumer’s Act of the Philippines.