Chinese national na nagpanggap bilang Pilipino, arestado

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dayuhan na nagpapanggap bilang Pilipino sa Daet, Camarines Norte.

Sa ulat ng BI, nasakote ng pinagsamang pwersa ng intelligence cooperatives, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang Chinese national na si Wu Zhishi.

Ang pag-aresto ay ginawa alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing sumusunod sa batas ang mga dayuhang nananatili sa Pilipinas.

Napag-alamang nakakuha ng government-issued documents ang dayuhan at nagpapakilalang Pilipino, at gumamit ng mga ID para makakuha ng lisensya ng baril.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng BI ang dayuhan habang hinihintay ang deportation proceedings dahil sa paglabag sa Immigration laws.

Ikinabahala naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang talamak na modus na ito ng mga illegal alien na maaaring maging banta sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments