Chinese national na nagpanggap na Pinoy, naharang sa NAIA ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng Chinese national na nagpapanggap bilang Pinay.

Kinilala ang Chinese na si Wang Xiujun, 43, ay nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa flight ng Air Asia galing Kuala Lumpur.

Napag-alaman na may birth certificate sa Pilipinas ang naturang banyaga at may Philippine passport.

Matapos ang masusing imbestigasyon at examination, nabisto na ang fingerprint ni Wang at ni Poliquit ay pagmamay-ari ng isang tao lang.

Facebook Comments