Arestado ang isang Chinese national na illegal recruiter sa isang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division sa Pasay City.
Kinilala ang Chinese national na si Pan Jing na inireklamo ng human trafficking kasunod ng pag-rescue sa anim niyang biktima.
Sa hiwalay na operasyon ay dinakip din si Herlyn Gatchalian na kilala rin sa alyas Marielyn Lazatin Aceveda at ang iba pang illegal recruiter na si Jharrel Gatchalian at isang Maricel Gorospe Calipdan sa isang entrapment operation.
Kabilang sa complainants ay ang mga pinangakuan na makapagtrabaho sa ibang bansa tulad ng Japan.
Base sa berepikasyon na ginawa ng NBI sa Department of Migrant Workers (DMW), napatunayang hindi lisensiyado at hindi otorisadong mag-recruit ng workers ang dalawang suspect para sa overseas employment.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 at Estafa.