Chinese national na tumulong sa pagtakas ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, “boss ng lahat ng mga boss” ng POGO ayon sa isang senador

PHOTO: Senate of the Philippines

Nagbigay ng ideya si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa Chinese national na tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makatakas ng bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Estrada na boss ng lahat ng mga boss ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang dayuhang tumulong kay Guo na makapuslit palabas ng Pilipinas.

Aniya, sa ngayon ay nabalitaan nilang nasa Taiwan na ito bagama’t tumanggi si Estrada na pangalanan kung sino ang naturang Chinese national.


Nang tanungin kung ang tinutukoy ni Estrada na nilista ni Guo sa papel kahapon at ang dayuhang tumulong kay Guo ay si Huang Zhiyang, ang business partner ni Guo na isa ring pugante, tugon lang ni Estrada ay “most probably”.

Ipinauubaya ni Estrada kay Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros ang pagsasabi kung ano ang pangalan ng dayuhang tumulong kay Alice Guo.

Facebook Comments