Chinese national na umano’y sangkot sa pang-eespiya, kinasuhan na sa Makati RTC

Naihain na ang reklamong espionage sa Chinese national na si YuanQing Deng sa Makati Regional Trial Court.

Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni National Bureau of Investigation o NBI Director Ret. Judge Jaime Santiago na bukas nakatakda ang arraignment sa dayuhang nahuli na nag-eespiya sa ilang mga pasilidad ng militar kasama ang dalawang Pilipino.

Ayon kay Santiago, ito ay matapos makitaan ng prima facie evidence ang mga akusasyon ng espionage laban kay Deng.


Sa kasalukuyan, hinihiling na rin na ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang tatlong inaresto na una nang iniharap sa Department of Justice.

Kaugnay niyan, tinabla ni Santiago ang pahayag ng China na hindi nag-aral sa People’s Liberation Army University of Science and Technology si Deng.

Kita aniya mismo sa website na nagtapos ang inarestong dayuhan sa unibersidad sa Nanjing, China.

Pinabulaanan din ni Santiago ang akusasyon ng China na tino-torture ang dayuhan.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na isang banta sa seguridad ng bansa ang ginagawa ng mga ito na pagmamanman sa mga pasilidad ng military.

Facebook Comments