Chinese National, Nahulihan ng Pake-Paketeng Iligal na Droga

32

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang chinese national matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad pasado alas-8:50 kaninang umaga sa Brgy. Centro, Sta. Ana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Lijun Cao alyas ‘Kevin’,38-anyos,may-asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. Visitacion sa naturang bayan.


Dinakip ang lalaki ng pinagsanib pwersa ng PDEA Batanes, Sta. Ana PNP, Provincial Intelligence Unit, PDEU Cagayan at PDEG.

Sa ulat ng PDEA, positibong nabentahan ng suspek ng hinihinalanh shabu ang kanilang ahente na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang tatlumpu’t apat (34) na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 5 grams at nagkakahalaga ng P34,000, cellphone at sasakyan nito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.



📸PDEA RO II


Facebook Comments