Manila, Philippines – Isa umanong Chinese National ang nahulog sa ika-9 palapag ng gusali ng isang Hotel sa Maynila.
Ayon kay PO3 Roderick Magpale ng Homicide Section ng MPD, kaninang alas-9 nang mahulog ang hindi pa napapangalanang biktima sa The Pearl Manila Hotel na matatagpuan sa Panu General Luna Street Ermita, Maynila.
Nabatid na mula sa pagkakahulog ng biktima sa nasabing palapag ay lumagapak ito sa tanke ng tubig sa katabing simbahan sa panulukan ng General Luna St., at United Nations Avenue, Ermita, Maynila.
Nasa Crime Scene pa ang mga imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section at pinagbawalan naman ang Media na makapasok sa nasabing gusali.
Facebook Comments