Chinese nationals na inuugnay sa drug shipment na nakalusot sa Bureau of Customs, naghugas-kamay at nagturuan sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Tatlong Chinese at Taiwanese nationals na iniiugnay sa 6.4 billion pesos na shabu shipment mula sa China ang humarap ngayon sa ikalawang pagdinig ng Senado.

Una rito ay si Richard Tan o Richard Chen na siyang itinuro ng Customs sa China sa mga opisyal ng Bureau of Customs na kanilang kontakin kaugnay sa raid ng 604 kilos ng shabu sa dalawang warehouse sa Valenzuela City.

Sabi ni tan, wala siyang alam na may shabu sa kanyang shipment.


Nalaman lang daw niya ito ng buksan na ng mga tauhan ng Customs ang pinglalagyan nitong limang cylinder na dinala sa kanyang warehouse sa Aster Street, Paso De Blas, Valenzuela.

Humarap din sa pagdinig ang dayuhang si Manny Li at wala din daw siyang alam na may droga sa shipment.

Nagpatulong law daw sa kanya ang kakilala si Tan para maghanap ng broker ng kanyang shipment kaya niya kinontak si Kenneth Dong.

Si Kenneth Dong naman ay nagsabi na wala ding alam na may shabu ang nabanggit na shipment galing China dahil sa packing list na ibinigay sa kanya ay wala namang nakasulat na mga cylinder na naglalaman ng shabu.

Sabi ni Kenneth Dong, di niya kilala Richard Tan, nabanggit lang daw sa kanya ni Lee na naghahanap ito ng broker kaya inirekomenda niya si Mark Taguba.

Pero si Mark Taguba naman, ginamit ang EMT Trading para maipasok ang shipment ni Tan sa Pilipinas.

Sa pagdinig ay sinabi ni Philppines Drug Enforcement Agency o PDEA Regional Director Wilkins Villanueva na alam nina tan at Lee na may cylinder sa packing list pero binura nila ito ng ibigay kina Dong at Mark Taguba.

Dahil dito sa nasabing pagsisinungaling ay inirekomenda ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto III na ma-contempt sina Tan at Lee na pinagtibay naman ng komite at ang rekomendasyon ay papaaprubahan nila kay Senate President Koko Pimentel.

Sabi ni Gordon, sa oras na aprubahan ito ni Pimentel ay kanilang pag-uusapan kung sa senado o sa Pasay City Jail idi-detain.

Bunsod niyan, ay hindi naiwasan ni Richard Tan na maglabas ng sama ng loob dahil pinapalabas pa siya ngayon suspek sa smuggling ng shabu gayong nakipagtulungan na nga siya sa Chinese at Philippine authorities para masabat ang nabanggit na shipment na nkalausot sa Bureau of Customs.

Giit ni Senator Ping Lacson kay Tan, ituro ang tunay na shipper ng shabu pero ipinaalam daw sa kanya ng isang Wang Xi Dong Ng Xiamen Customs Police na ito ay naaresto at nakakulong na sa China.

Dito naman aniya sa Pilipinas ay si Fidel Anoche Dee ang alam niyang recipient ng kontrabando.

Facebook Comments