Sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang mga Chinese national na naaresto kamakailan sa malawakang kaso ng human trafficking sa Clark, Pampanga.
Nahaharap sa pitong bilang ng kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act ang walong Chinese nationals na dati nang nakasuhan dahil sa human trafficking.
Ito ay kasunod ng isinagawang pagsagip sa mahigit 1,000 biktima ng human trafficking sa Clark Sunvalley Hub kabilang ang mga indibidwal na na-recruit mula sa ibang bansa noong May 2023.
Sangkot ang mga ito sa love scam kung saan nanloloko ng mga dayuhan paramakapagpadala ng pera ang mga biktima sa kanilang mga binuksang account.
Tinatayang nasa ₱187 million ang naimbentaryo ng mga awtoridad sa vault sa raid.
Facebook Comments