Chinese Navy vessel, itinaboy ng PCG sa Palawan

Matagumpay na napalayas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese Navy warship na namataan sa Marie Louise Bank sa Palawan noong July 13.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, ni-radyohan ng BRP Cabra ang barkong pandigma ng Tsina pero hindi ito tumugon kaya gumamit ito ng long range acoustic device para magpadala ng verbal challenge sa foreign ship.

Kasunod nito, umalis na sa lugar ang warship pero binuntutan ito ng BRP Cabra para masigurong lilisanin talaga nila ang lugar na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.


Noong June 30, nasa limang Chinese ships at dalawang Vietnamese vessels din ang naitaboy ng BRP Cabra sa Marie Louise Bank.

Facebook Comments