
Binuksan sa Dagupan City ang 2026 Chinese New Year Food Bazaar bilang bahagi ng pagdiriwang ng Chinese New Year Friendship Day, na ginanap sa Senior Citizen Courtyard sa City Plaza.
Nagtampok ang bazaar ng iba’t ibang pagkaing inihanda ng mga lokal na establisimyento at iba pang food businesses sa lungsod.
Bukod sa food stalls, tampok din ang mga makukulay na pagtatanghal mula sa Dagupan PANDA Dragon and Lion and Wushu Team, kasama ang mga mascots at cosplayers na nagbigay ng dagdag na aliw sa mga dumalo.
Dinaluhan ang pagbubukas ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, mga opisyal ng kapulisan at bumbero, gayundin ng mga miyembro ng Filipino-Chinese community, senior citizens at mga mag-aaral.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng komunidad at ipagdiwang ang kultura at tradisyon ng Chinese New Year sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










