Nakiisa ang mga Dagupeños sa ginanap na pagdiriwang ng Chinese New Year sa lungsod, kahapon.
Naranasan sa bahagi ng Perez Blvd, MH Del Pilar St. at AB Fernandez Avenue ang mabagal na daloy ng trapiko dahil sa naganap na motorcade, kasabay ang Lucky Lion and Dragon Dance na pinangunahan ng Dagupan Panda Lion Dragon Wu Shu Team.
Namahagi ang mga kabilang sa parada ng tikoy, mansanas, ponkan at iba sa mga nag-abang sa parada.
Bukas din ng tatlong araw ang Food Bazaar sa downtown area na hatid ang iba’t-ibang mga pagkain para sa Dagupeños at ang buong Filipino Chinese Community.
Nakatanggap naman ng mga ampao ang mga batang nagtungo sa naturang selebrasyon na pinaniniwalaang magdadala ng swerte at kasaganahan. Samantala, ngayong taon iiral ang Year of the Wooden Snake. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨