Manila, Philippines – Suspendido ang number coding scheme sa buong Metro Manila ngayong araw dahil sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Sa interview ng DZXL kay Laila Marcelo ng MMDA Metrobase – aniya, lifted na rin ang number coding maging sa Makati at Las Piñas City.
Kasalukuyan namang nagpapatupad ng re-routing sa ilang lugar sa Binondo, Maynila matapos na isara ang Reina Regente Street.
Kaya para sa mga motoristang magmumula sa Jose Abad Santos Street, kumaliwa sa Claro M. Recto patungo sa kanilang destinasyon.
Ang mga sasakyan naman galing Jones Bridge ay kailangang kumanan papuntang Ongpin Street o kaya ay dumiretso papuntang Juan Luna Street patungo sa kanilang destinasyon.
Lahat ng sasakyan na daraan sa eastbound ng Soler Street patungong Plaza Ruiz ay pinakakaliwa papuntang Reina Regente, diretso sa Arranque Market hanggang sa destinasyon.
Habang ang mga daraan sa westbound ay dapat na kumanan sa Reina Regente papunta sa kanilang destinasyon.