Chinese partner ng Dito na ZTE, banta sa seguridad — FCC

 

 

Isang security risk sa telecom networks at supply chain ang ZTE, ang Chinese telecommunication partner ng Dito Telecommunity.

Pinagtibay ito ng Federal Communications Commission (FCC) noong Martes makaraang ibasura ang petisyon ng ZTE na i-reconsider ang naunang desisyon na nagkaklasipika rito bilang isang panganib sa seguridad.

Ang DITO, ang third telco player sa bansa, at ang ZTE ay nagpartner para magtayo ng may 50,000 microcell towers sa buong Filipinas sa susunod na limang taon.


Ang Shenzhen-based ZTE Corp. ay kabilang sa limang miyembro ng consortium na nangako ng hanggang $2 billion (halos P100 billion) para lagyan ang mga isla ng bansa ng microcell towers at makatulong sa pagpapalakas ng internet connectivity sa pamamagitan ng TierOne Comm International.

Nirepaso ng Public Safety and Homeland Security Bureau ng FCC ang rekord ng ZTE at napatunayang walang basehan para i-reconsider ang naunang desisyon.

Sa pagbasura ng FCC sa motion to reconsider nito, ang ZTE ay hindi maaaring makinabang sa $8.3 billion annual Universal Service Fund ng FCC at kinakailangang tumalima sa isang ban na nagbabawal sa mga kompanya sa Amerika na gamitin ang pera ng USF sa pagbili, pagmamantine, o pagsuporta sa anumang gamit o serbisyo mula sa ZTE o affiliates nito.

Noong November 2019 ay nagkaisang bumoto ang FCC na ipagbawal ang universal service support sa pagbili ng telecom equipment at services mula sa mga vendor na may panganib sa pambansang seguridad, at inisyal na pinangalanan ang ZTE, kasama ang Huawei ng China, bilang “covered companies” na dapat maging saklaw ng kautusan dahil sa malapit nitong ugnayan sa tChinese government. Ang final designation (PDF) ay isinagawa noong June 30, 2020.

“With today’s order, we are taking another important step in our ongoing efforts to protect U.S. communications networks from security risks,” wika ni FCC Chairman Ajit Pai sa isang statement (PDF) noong Martes.

Iginiit naman ng Huawei at ZTE na wala silang dalang panganib sa telecom networks at kinuwestiyon ang FCC classifications.

Facebook Comments